Booby: “Ok's naman pala ang RH bill, eh. Saan naman makakakuha ng libreng condom, IUD, at pills, kung sakali.”
MJ: “They will be available in public health centers and government hospitals. They're even budgetting for roving mobile health centers to distribute the contraceptives. Sabay na rin yung training on how to use them.”
Booby: “Galing! So, lahat makakakuha na ng condom at IUD at pills na walang kahirap-hirap. Mahirap man o mayaman, may libre ng condom.”
MJ: “You're so malabo, tabo. Nakakita ka na ba ng mayamang pumupunta sa health center o nagpapagamot sa public hospital? Have you noticed Benzes and BMW's parked in those places?”
Booby: “Oo nga, ano? Eh saan sila kukuha ng libreng condom at pills?”
MJ: “And what makes you think the rich need free condoms and pills? They have enough money to buy the best condoms – ribbed or studded, and in different flavors. They can buy the most expensive and effective pills on the market. They can go to Hong Kong or the States or anywhere for their abortions. It's the poor that need these freebies, bigwis.”
Booby: “Oh. So, ang mahihirap lang talaga ang may libreng condom, IUD, at pills. Lahat ng gagastusin na...P3 billion ba yun? Mahihirap lang ang makikinabang?”
MJ: “Well, when the population of the poor have been reduced, then the rich will have more for themselves, don't you know, sago?”
Booby: “Gano'n pala yon. May isa ka pang nabanggit; yung sa mga namamatay na mga nanganganak na nanay at mga bagong silang na sanggol. Pa'no naman sila?”
MJ: “Use your brain, metro train. If the number of poor have been reduced because of population control, then definitely, the number of mothers and infants dying during childbirth will be reduced?”
Booby: “Ah, oo nga naman. Talagang mababawasan ang mga namamatay kasi hindi na sila nabuhay. Pero, sabi nila hindi naman daw sila pabor sa abortion.”
MJ: “Riiight! In Section 3, Guiding Principles, of the Bill, they even want to ensure treatment for post-abortion complications. But of course, if you had an abortion, that's still a crime under the present Constitution, so you're technically a criminal. Maybe, in the future, they will join the ChaCha movement to change the Constitution.”
Booby: “Dapat lang! Kung may krimeng nakasaad sa Konstitusyon, na ayaw na ng mga mambabatas, dapat lang nilang palitan yun. Kung may bagay na hindi krimen sa Konstitusyon na nais nilang gawing krimen, eh di, palitan! Gaya niyan. Bawal sa Konstitusyon ang aborsyon at gusto nilang pahintulutan na ang pagpatay sa mga sanggol sa pamamagitan ng aborsyon, logical lang na palitan nila yun.”
MJ: “Exactamente, kuryente!”
TO BE CONTINUED